Fuck, I’m bored. Also, my tummy hurts.
April 27, 2007Coco: I-saisantabi muna natin ang pag-uusap tungkol sa akin (mamaya na lang uli lol), atin namang talakayin ang iyong buhay, pamangkin. Kamusta ang iyong araw?
Midori: eto mapula pa rin ang hasang. masaya sa mga pangyayari. subalit ako din ay nalulungkot nga kaonti sa kadahilanang ako ay may sakit.
Midori: nilalagnat ako ngayon.
Coco: Aking ikinalulungkot na malamang ika'y may karamdaman.
Coco: Ako ay nagdadalamhati.
Coco: Ngunit ano ang "hasang"?
Midori: hasang po nang isda.
Coco: Lalo mo akong nilito.
Coco: Hahaha.
Midori: naalala mo bo yung patalastas nang nang Perla?
Midori: meron kasi doong naglalaba sa may sapa tapos may nakita siyang isang isda. pagkatapos, itoy kanyang tinanong, oi isda, kamusta ka na? "eto mapula pa rin ang hasang" sagot nang isda.
Coco: Ngunit ngunit ngunit
Coco: Anong parte ng katawan ang hasang?
Midori: gills po iyon sa ingles.
Coco: Aaaah
Coco: Meron kang hasang?
Midori: kasi po pag mapula ang hasang nang isda, itoy nagpapatunay na ang isda ay presko.
Midori: hahahahahahahahahahaha
Midori: nakagawian ko na pong isagot iyang * eto mapula pa rin ang hasang* at ang ibig pong sabihin nun ay ako ay nasa mabuting kalagayan.
Coco: Ah, iyo bang ginagamit ang hasang bilang metapora?
Coco: Sinasabi ko na nga ba!
Coco: Ako ay nalito ng kakaunti ngunit tama naman pala ang aking naunang hinala.
Coco: Mabuti, mabuti.
Midori: may tama po kayo!
Coco: Ako? May tama? Bakit mo naman nasabi yan?
Midori: hahaha
Midori: can we talk back in english?
Midori: hahahahahha
Coco: AYOTO
Midori: ai ai ai, tigi na!
Coco: May ikekwento na muna ako sa yo.
Midori: sige po.
Midori: kwento po kayo.
Midori: lolo basyong
Midori: este, Unkee Cokee.
Coco: Ako ay nagdadalamhati sa iyong karamdaman pagka't masama din ang aking tiyan ngayon.
Coco: Bilang pananghalian, kami ay nagpa-grand salvo sa opisina.
Midori: ay talaga po? kawawa naman po ang iyang mga bulate..
Midori: ahhh. pagkatapos?
Coco: Kami ay bumili ng dalawang kahon ng Sheykis Pitsa. At isang buong Makses na manok.
Midori: ang sarap naman ho nyan!
Coco: Ako ay kumain ng pitong hati ng pitsa. At isang pirasong manok.
Coco: At ako'y ineempacho sa kasalukuyan.
Midori: kawawa naman po kayo. hindi pa po ba kayo umi-ebak?
Coco: Wag nating pag-usapan yan.
Coco: Ang importante ay ako'y nag-hanap ng gamot.
Coco: Isang tableta ng Kremil S.
Midori: hahaha
Coco: Ito'y nangnuguya, at lasang istrowberi.
Midori: inom po kayo nang mainit na tsa-a.
Coco: Wala kaming tsa-a dito. Alak lang.
Coco: At kakaunting Zesto.
Coco: Eniwei, walang silbi itong Kremil S. Punyemas. Masakit pa rin ang aking tiyan.
Midori: awww. ako po ay naaawa sa iyo. ano po ba ang magagawa ko para maibsan ang sakit nang iyong tiyan?
Coco: Sa tingin ko ay isang awit ang makakapagpagaling sa akin. Kasama na rin ang nilalaman ng itlog ng agila. Mga tatlong baso seguro nun.
Coco: Kailangan mong umakyat ng mga bulubundukin para makuha ito. Kung medyo mahirap, k lang.
Midori: sige po. masusunod kamahalan. tatawagin ko po ang akong ibong pipit para magnakaw nang ibon ng agila.
Midori: dahil ako po ay lumpo
Coco: Anong pangalan ng iyong ibong pipit?
Midori: tatlo lang po ang kamay ko.
Midori: ang pangalan po nya as si sylvester
Midori: sylvester tweety po ang buong pangalan nya.
Coco: Isang malaking pasasalamat ang aking inaabot ko sa iyo at kay Sylvester.
Coco: Nakuha na ba niya? Hindi ko na makayanan ang sakit.
Coco: Unti-unti na akong napapaidlip, at ikinatatakot kong may lalabas na madreng unano mula sa aking tiyan kapag ako' maka-tulog.
Midori: eto po
Midori: ibuka nyo po ang malaki ang bibig ninyo
Midori: say aaaaaaaaaah.
Coco: Aaaaaaahhhhh
Midori: sandali lang po at akoy naiihi
Coco: K
Midori: nagbabalik
Coco: Mabuhay!
Coco: Gumaling na ang aking pakiramdam, salamat sa iyo.
Midori: talaga po?
Midori: no keedeeng?
Midori: lol
Coco: Paumanhin?
Midori: walang biro?
Coco: Ah.
Coco: Walang biro. Mahusay na ang aking pakiramdam. Sarap talaga ng itlog ng agila lolz















