Home » Post Item » Fuck, I’m bored. Also, my tummy hurts.

Fuck, I’m bored. Also, my tummy hurts.

April 27, 2007

Coco: I-saisantabi muna natin ang pag-uusap tungkol sa akin (mamaya na lang uli lol), atin namang talakayin ang iyong buhay, pamangkin. Kamusta ang iyong araw?
Midori: eto mapula pa rin ang hasang. masaya sa mga pangyayari. subalit ako din ay nalulungkot nga kaonti sa kadahilanang ako ay may sakit.
Midori: nilalagnat ako ngayon.
Coco: Aking ikinalulungkot na malamang ika'y may karamdaman.
Coco: Ako ay nagdadalamhati.
Coco: Ngunit ano ang "hasang"?
Midori: hasang po nang isda.
Coco: Lalo mo akong nilito.
Coco: Hahaha.
Midori: naalala mo bo yung patalastas nang nang Perla?
Midori: meron kasi doong naglalaba sa may sapa tapos may nakita siyang isang isda. pagkatapos, itoy kanyang tinanong, oi isda, kamusta ka na? "eto mapula pa rin ang hasang" sagot nang isda.
Coco: Ngunit ngunit ngunit
Coco: Anong parte ng katawan ang hasang?
Midori: gills po iyon sa ingles.
Coco: Aaaah
Coco: Meron kang hasang?
Midori: kasi po pag mapula ang hasang nang isda, itoy nagpapatunay na ang isda ay presko.
Midori: hahahahahahahahahahaha
Midori: nakagawian ko na pong isagot iyang * eto mapula pa rin ang hasang*  at ang ibig pong sabihin nun ay ako ay nasa  mabuting kalagayan.
Coco: Ah, iyo bang ginagamit ang hasang bilang metapora?
Coco: Sinasabi ko na nga ba!
Coco: Ako ay nalito ng kakaunti ngunit tama naman pala ang aking naunang hinala.
Coco: Mabuti, mabuti.
Midori: may tama po kayo!
Coco: Ako? May tama? Bakit mo naman nasabi yan?
Midori: hahaha
Midori: can we talk back in english?
Midori: hahahahahha
Coco: AYOTO
Midori: ai ai ai, tigi na!
Coco: May ikekwento na muna ako sa yo.
Midori: sige po.
Midori: kwento po kayo.
Midori: lolo basyong
Midori: este, Unkee Cokee.
Coco: Ako ay nagdadalamhati sa iyong karamdaman pagka't masama din ang aking tiyan ngayon.
Coco: Bilang pananghalian, kami ay nagpa-grand salvo sa opisina.
Midori: ay talaga po? kawawa naman po ang iyang mga bulate..
Midori: ahhh. pagkatapos?
Coco: Kami ay bumili ng dalawang kahon ng Sheykis Pitsa. At isang buong Makses na manok.
Midori: ang sarap naman ho nyan!
Coco: Ako ay kumain ng pitong hati ng pitsa. At isang pirasong manok.
Coco: At ako'y ineempacho sa kasalukuyan.
Midori: kawawa naman po kayo. hindi pa po ba kayo umi-ebak?
Coco: Wag nating pag-usapan yan.
Coco: Ang importante ay ako'y nag-hanap ng gamot.
Coco: Isang tableta ng Kremil S.
Midori: hahaha
Coco: Ito'y nangnuguya, at lasang istrowberi.
Midori: inom po kayo nang mainit na tsa-a.
Coco: Wala kaming tsa-a dito. Alak lang.
Coco: At kakaunting Zesto.
Coco: Eniwei, walang silbi itong Kremil S. Punyemas. Masakit pa rin ang aking tiyan.
Midori: awww. ako po ay naaawa sa iyo. ano po ba ang magagawa ko para maibsan ang sakit nang iyong tiyan?
Coco: Sa tingin ko ay isang awit ang makakapagpagaling sa akin. Kasama na rin ang nilalaman ng itlog ng agila. Mga tatlong baso seguro nun.
Coco: Kailangan mong umakyat ng mga bulubundukin para makuha ito. Kung medyo mahirap, k lang.
Midori: sige po. masusunod kamahalan.  tatawagin ko po ang akong ibong pipit para magnakaw nang ibon ng agila.
Midori: dahil ako po ay lumpo
Coco: Anong pangalan ng iyong ibong pipit?
Midori: tatlo lang po ang kamay ko.
Midori: ang pangalan po nya as si sylvester
Midori: sylvester tweety po ang buong pangalan nya.
Coco: Isang malaking pasasalamat ang aking inaabot ko sa iyo at kay Sylvester.
Coco: Nakuha na ba niya? Hindi ko na makayanan ang sakit.
Coco: Unti-unti na akong napapaidlip, at ikinatatakot kong may lalabas na madreng unano mula sa aking tiyan kapag ako' maka-tulog.
Midori: eto po
Midori: ibuka nyo po ang malaki ang bibig ninyo
Midori: say aaaaaaaaaah.
Coco: Aaaaaaahhhhh
Midori: sandali lang po at akoy naiihi
Coco: K
Midori: nagbabalik
Coco: Mabuhay!
Coco: Gumaling na ang aking pakiramdam, salamat sa iyo.
Midori: talaga po?
Midori: no keedeeng?
Midori: lol
Coco: Paumanhin?
Midori: walang biro?
Coco: Ah.
Coco: Walang biro. Mahusay na ang aking pakiramdam. Sarap talaga ng itlog ng agila lolz

Posted by coco at 5:44 pm | permalink

Previous Comments

nakalimutan ko pong itanong kung gaano kasarap ang itlog nang agila. Ako ay hindi pa po nakatikim nu’n. Ang aking natikman ay itlog nang butiki at itlog nang pating. lasang tao po ang mga itlog na iyon. at ako ay nadidiri sapagkat lasang tao sila. bagama’t masarap, lasang tao parin.

Posted by midori at April 28, 2007, 9:06 am

Hawak ko ang aking selpon at wala akong magawa habang nakasalampak ako sa trono ng ginhawa nang naisipan kong maghanap ng babasahin sa agiw (web). Nakatala sa selpon ko ang iyong lugar-sapot (website) at nabasa ko itong balitaktakan ninyo ng inyong pamangkin. Ako ay labis na na-LOL at mas bumilis lalo ang pagkakaramdam ko ng ginhawa. Hindi ito kamunduhang ligaya! Walang malisya ‘to! Ang ginhawang tinutukoy ko ay ang ginhawang nakakamit lamang pag ikaw ay nakaupo sa trono ng ginhawa o di kaya’y habang nakasakay ka sa traysikel galing sa palengkeng basa (wet) sa dakong baryo at ika’y nagmamadali ng umuwi dahil may iba kang naramdaman dahil baka kamo sa napasarap ka sa nakain mong halo-halo ispeysyal sa palengke. Wala pa sa kalahati ng iyong puwitan ang nakalapat sa upuan, pawisan ng butil-butil, at ubod na ng higpit ang pagkakakapit mo sa istribo ng traysikel habang iniipit-ipit mo ang iyong karamdaman at nagawa mo na lamang sumigay sa traysikel drayber ng, “MANOOOOOONG! Biliiiiiiiiiiisssss an MMMMMmmmooooooooooOOOOOO…. ayan… naaaaahhhhhh..hhh…. haaaaay…sa wakas.” Ayan nanaman, napapa-LOL nanaman ako.

PS: Galit ang sumunod na pasahero ng traysikel. Kawawa naman.

Posted by Fritz at May 2, 2007, 5:42 pm

Midori: Ang itlog ng agila ay lasang leche flan na may halong sabaw ng kare-kare. Malinamnam na, masustansiya pa! Yonaman!

Fritz: Ikinagagalak kong ika’y nagawi dito sa aking maliit na puwesto sa malawakang agiw ng mundo. At ika nga nila sa Ingles: “Let’s stay high in sports and not in drugs!”

Posted by coco at May 2, 2007, 7:03 pm

Hi^.^ Napadpad lng, may hinahanap :D

Posted by Chanter at December 29, 2007, 2:10 am

Add a comment








     

April 2007
M T W T F S S
« Mar   May »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Cocobongo.

I hail from the far kingdom of Las Pinas City, and have put an end to the debauchery of numerous monsters of the land and of the seas.

 

Furthermore, my scrupulous attention to detail has entitled me to garner the following honors from ages past: best in art, best marksman, and most likely to become Emperor of the Philippines.

The Man Blog.

Shit I Like.

 

Music and Shit.

El Commentos.